Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for healthcare industry professionals · Monday, November 11, 2024 · 759,630,030 Articles · 3+ Million Readers

Tolentino to LTO: Consider the surge in OFW remittances this holiday season in projecting vehicle sales amid license plates backlog

PHILIPPINES, September 5 - Press Release
September 5, 2024

Tolentino to LTO: Consider the surge in OFW remittances this holiday season in projecting vehicle sales amid license plates backlog

Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino has asked the Land Transportation Office (LTO) to consider the surge in foreign remittances during the holiday season in projecting vehicle sales amid the agency's backlogs in the issuance of license plates for motor vehicles.

In his radio program 'Usapang Tol,' Tolentino told LTO Chief Vigor Mendoza about the possible increase in motorcycle sales during the holiday season when remittances of overseas Filipino workers (OFWs) to their families also increase.

"This Christmas season, many of our OFWs are remitting and sending money. So, some of them have the capacity for a downpayment for a motorcycle, which increases the sales of motorcycle dealers," the senator said, in response to Mendoza's report of an uptick in motorcycle sales while LTO's backlog in motorcycle license plates issuance reached nine million.

Tolentino explained that unlike four-wheeled vehicles, whose owners change them every five to six years, or even more, the turnover in motorcycle sales is much faster, which correspondingly increases the required number of license plates.

The LTO chief welcomed the suggestion and told the senator they "will factor in" the surge of OFW remittances during the holiday season in their projection.

Mendoza revealed that the LTO would take nine months to solve the backlog in motorcycle license plates since the plant that produces them could only generate one million license plates in one month.

Last week, the LTO was criticized for planning to enforce a directive restricting and penalizing the use of improvised plates on Sept. 1, 2024. The directive was reset to Dec. 31 this year.

Mendoza said he also ordered to stop collecting the P40 certification fee for non-issuance of the license plate from the LTO upon hearing Tolentino's position against the collection of the certification fee.

The senator lauded the LTO chief in the same radio program for its "right decision."


Tolentino sa LTO: pagdagsa ng OFW remittances ngayong kapaskuhan, magpapataas sa vehicle sales at kakailanganing plaka

Dapat ikonsidera ng Land Transportation Office (LTO) ang epekto ng pagdagsa ng OFW (Overseas Filipino Workers) remittances sa darating na kapaskuhan sa pagtaas ng bentahan ng mga sasakyan - at sa kakailanganing mga plaka para rito.

Ito ang payo ni Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino kay LTO Chief Vigor Mendoza sa programang 'Usapang Tol' sa gitna ng siyam na milyong license plates backlog ng ahensya.

"Itong Christmas season, marami tayong kapatid na OFW na nag-reremit o nagpapadala. So, yung iba ay may pang downpayment na sa motorsiklo, mas malaki ang bentahan ng motorcycle dealers," ani Tolentino.

Ipinaliwanag ng senador na 'di tulad ng four-wheeled vehicles na pinapalitan ng mga may-ari nito kada apat hanggang anim na taon, o higit pa, mas mabilis ang turnover ng motorcycle sales,. Kung kaya't dapat asahan ang pagtaas ng bentahan ng mga sasakyan, ani Tolentino, gayundin ang mas malaking pangangailangan para sa mga bagong plaka.

Sumang-ayon naman kay Tolentino ang hepe ng LTO, at nagsabing ikokonsidera ito ng ahensya sa pagresolba ng kanilang backlog sa pag-iisyu ng plaka, partikular sa mga motorsiklo.

Ayon kay Mendoza, kailangan ng LTO ng siyam na buwan para maisara ang backlog, dahil isang milyong plaka lang umano ang kayang iprodyus ng kanilang planta kada buwan.

Inulan ng batikos ang LTO noong isang linggo dahil sa pag-uutos nito na ipagbawal at pagmultahin ang paggamit ng temporary at improvised plates mula Setyembre 1. Iniatras na ng ahensya ang deadline nito sa Disyembre 31.

Ipinagbawal na rin umano ni Mendoza ang paniningil ng P40 sa mga rider para makakuha ng sertipikasyon mula sa LTO bilang patunay na wala pa silang plaka. Ito'y matapos punahin ng senador ang polisiya.

Pinuri naman ni Tolentino ang LTO para sa aniya'y "tamang desisyon" nito.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release