Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for healthcare industry professionals · Wednesday, July 10, 2024 · 726,470,246 Articles · 3+ Million Readers

Cayetano urges young Filipino leaders to have a clear purpose

PHILIPPINES, July 10 - Press Release
July 9, 2024

Cayetano urges young Filipino leaders to have a clear purpose

Senator Alan Peter Cayetano on Monday encouraged young Filipino leaders to have a clear purpose in their lives, saying this is the best way to resist temptation as public servants.

"I want to warn you na now na pumasok kayo sa mundo ng pulitika, lahat ng temptations nandyan sa inyo. Let your purpose guide you," Cayetano told hundreds of young officials who attended the Sangguniang Kabataan (SK) Iloilo Chapter Provincial Congress on July 8, 2024.

The senator, who began his own career in the government as an SK official, said peer pressure is a common struggle among young leaders.

He said this can be overcome by keeping in mind one's "higher purpose."

"'Yun ang mahirap sa pulitika, kasi you need everyone," he said. "[Pero] kung y'ung leader mismo ay mawawalan ng purpose, sama-sama [kayong walang mararating] at barka-barkada na lang [ang mangyayari]."

He challenged the SK officials present to be united by one vision for their province.

"Twenty years from now, ano ang itsura ng Iloilo? Ano ang [magiging legacy] ng batch niyo?" Cayetano challenged them.

"The future of Iloilo is bright because ang SK na batch niyo has a good sense of purpose," he added.


Cayetano hinimok ang kabataang lider na magkaroon ng malinaw na 'purpose'

Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang mga kabataang pinuno na magkaroon ng isang malinaw na layunin sa kanilang buhay lingkod-bayan para malabanan ang mga bagay na makakagulo sa kanilang serbisyo.

"I want to warn you na now na pumasok na kayo sa mundo ng pulitika, lahat ng temptations nandyan sa inyo. Let your purpose guide you," mensahe ng senador sa daan-daang kabataang opisyal na dumalo sa Sangguniang Kabataan (SK) Iloilo Chapter Provincial Congress nitong July 8, 2024.

Wika ni Cayetano, na nagsimula sa gobyerno bilang isang SK official, pangkaraniwang pagsubok sa isang youth leader ang maudyokan na magbisyo o bumarkada.

Aniya, maiiwasan ang mga it kung laging isasaisip ng isang tao ang "higher purpose."

"'Yun ang mahirap sa pulitika, kasi you need everyone," aniya. "[Pero] kung y'ung leader mismo ay mawawalan ng purpose, sama-sama [kayong walang mararating] at barka-barkada nalang [ang mangyayari]."

Hinamon niya ang mga dumalong SK official na magkaroon ng iisang "vision" para sa kanilang probinsya.

"Twenty years from now, ano ang itsura ng Iloilo? Ano ang [magiging legacy] ng batch niyo?" ani Cayetano.

"The future of Iloilo is bright because ang SK na batch niyo has a good sense of purpose," dagdag niya.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release